Sa aking pagiinternet, ay aking nakita ang isang artikulo ng Philippine Daily Inquirer na pinamagatang "Philippines needs more farm machinery to catch up with neighbors - DA Chief." Ito ay isinulat ni Kristine L. Alave. Nasa baba nito ang mga larawan ng artikulo:
Para sakin, ako ay natutuwa sa aking nabasa. Natutuwa akong may malaking pondo na para sa mga magsasaka. Sa aking pag-aaral ng agrikultura sa eskwelahan, napagtanto ko na suliranin din ito ng mga magsasaka. Kulang sila sa mga makinarya at nagtitiis lamang sa kalabaw. Natuwa din ako sa nabasa ko na hindi lang gagamitin ang pondo para sa pagbili ng mga makinarya, ito din ay gagamitin sa pagpapatayo ng mga estruktura na magagamit ng mga magsasaka, tulad ng silo at iba pa.
Ako ay labis na natutuwa para sa mga magsasaka, dahil alam ko kapag ang article na ito ay naipatupad na, sila ay hindi na masyadong mahihirapan sa pagsasaka. Mapapadali ang pagaani nila sa pamamagitan ng mga makinarya. Mas marami silang maaani, at tataas ang kita nila.
At sa aking pag-aaral, ang agrikultura ang unang sektor ng ekonomiya. Kapag tumaas ang agrikultura sa bansa natin, sa aking palagay ay tataas din ang ekonomiya ng bansa. At hindi na maghihirap ang mga magsasaka.
Pero sa aking palagay, dapat ay inuuna muna ng gobyerno ang pagbibigay ng sariling lupa sa mga magsasaka. Napanood ko lang sa balita ang tungkol sa Hacienda Luisita. Dapat ay mabigyan na ang mga magsasaka ng pinaghirapan nilang lupa.
At doon nagtatapos ang aking unang blog.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento