Sa aking pagbubuklat ng internet para makahanap ng artikulo ukol sa agrikultura, ay napunta ako sa site na bulatlat.com. Eto ang nabasa kong artikulo.
Eto ang aking masasabi. Ayon sa aking nabasa, si Francisco Nakpil ay isa libong magsasaka na nagtatrabaho sa Hacienda Luisita. Dati pa man ay alam ko na ang Hacienda Luisita. Nang minsang makita ko ito sa balita ay ito ay tinanong ko agad sa aking tatay. Kinwento niya ang lahat ng kaalaman niya sa Hacienda Luisita.Noong bata ako, ang alam ko sa Hacienda Luisita ay mga ganitong kataga:
- Katumbas ito ng tatlong barangay
- Maraming lupa dito
- May ari nito ang pamilya ni dating Pangulong Cory Aquino
Ngayon, natatawa ako sa mga sinasabi ko tungkol sa Hacienda nung bata pa ako. Nung una ay namangha ako sa lawak ng lupain ng hacienda. Nangangarap din ako dating magkaroon ng sariling hacienda. Akala ko ay ang mga magsasaka ay masayang nagtatrabaho sa hacienda.
Dati din ay may napanood akong pelikula na may kinalaman sa hacienda. Napanood ko na ang lahat ng nagttrabaho dun ay masaya.
Pero ngayon ay namulat ako sa katotohanan. Nalaman ko na ang mga magsasaka sa Hacienda Luisita ay naghihirap magtanim at magani para kumita ng onting pera. Sa larawan sa itaas ay sinasabing 9 pesos per day ang kita ng mga magsasaka, na si Francisco Nakpil.
Si Francisco Nakpil ay isang magsasaka sa Hacienda Luisita. Siya ay nagsasaka para mabuhay niya ang kanyang pamilya. Ang kanyang buhay ay walang pinagkaiba sa mga magsasaka sa buong Pilipinas. Siya ay nagtatrabaho at nagpapagod para sa onting sweldo. Ako ay naaawa sakanya. Kahit maraming welga na ang naganap ay wala paring pagbabago. Suma sang ayon ako kay Francisco. Kahit na may mga batas nang naipasa para sa pamimigay ng lupa, ay wala paring nangyayari sa Hacienda. Ang mga magsasaka ay mahirap parin. Sila parin ay nagugutom at napapagod. Para sa akin ay dapat silang bigyan ng tamang sweldo na maibubuhay nila ang kanilang pamilya. At dapat ay bigyan sila ng lupa ng nagmamay-ari ng Hacienda, dahil pinaghirapan nila ito.
Sana sa mga nakakabasa nito, na madinig niyo ang aking saloobin. Ang mga magsasakang tulad ni Francisco Nakpil ay isa lang ang ninanais: ang guminhawa ang buhay at umunlad mula sa kahirapan. Ito ay matagal na nilang idinadalangin at ipinapangarap, pero parang di ito matutupad. Sana sa may ari ng Hacienda Luisita ay magkaroon ng pagpakumbaba at pagbigyan ang hinihiling ng mga magsasaka. Sana ay maawa rin kayo sa mga magsakaka tulad ko. Isasama ko sila sa aking panalangin na guminhawa na ang kanilang buhay.
At iyan ang aking pangalawang blog.
:)
TumugonBurahin