Miyerkules, Marso 6, 2013

IKALIMANG BLOG: Mga Manggagawa

Ang aking ikalimang blog ay tututok sa mga manggagawa. 









Narito ang isang tula na may pinamagatang "Manggagawa" na isinulat ni  Jose Corazon de Jesus. 

MANGGAGAWA


Bawat palo ng martilyo sa bakal mong pinapanday
alipatong nagtilamsik, alitaptap sa kadimlan; 
mga apoy ng pawis mong sa Bakal ay kumikinang
tandang ikaw ang may gawa nitong buong Santinakpan.

Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral
nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw,
nang lutuin mo ang pilak ang salapi a lumitaw,
si Puhunan ay gawa mo, kaya ngayon'y nagyayabang.

Kung may ilaw na kumisap ay ilaw ng iyong tadyang,
kung may gusaling naangat, tandang ikaw ang pumasan
mula sa duyan ng bata ay kamau mo ang gumalaw
hanggang hukay ay gawa mo ang krus na nakalagay.

Kaya ikaw ay marapat dakilain at itanghal
pagkat ikaw ang yumari nitong buong Kabihasnan.....
Bawat patak ng pawis mo'y yumayari ka ng dangal,
dinadala mo ang lahi sa luklukan ng tagumpay.

Mabuhay ka nng buhay na walang wakas, walang hanggan,
at hihinto ang pag-ikot nitong mundo pag namatay.



Maraming mahahalagang karapatang manggagawa, subalit ang pinakamahalagang karapatang manggagawa na itinataguyod ng International Labour Organization (ILO) ay ang sumusunod.



  • Una, ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na malaya mula sa paghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa.
  • Ikalawa, ang mga manggagawa ay may karapatang makipagkasundo bilang bahagi ng grupo sa halip na mag-isa.
  • Ikatlo, bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho, lalo na ang mapang-aliping trabaho at trabahong pangkulungan.  Dagdag pa rito, bawal ang trabaho bungang ng pamimilit o ‘duress’.
  • Ikaapat, bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataan.  Samakatwi’d mayroong minimong edad at mga kalagayang pangtatrabaho para sa mga kabataan.
  • Ikalima, bawal ang lahat ng mga anyo ng diskrimasyon sa trabaho: pantay na suweldo para sa parehong na trabaho.
  • Ikaanim, ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at  ligtas sa mga manggagawa.  Pati kapaligiran at oras ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas.
  • Ikawalo, ang suweldo ng manggagawa ay sapat at karapat-dapat para sa makataong pamumuhay.
Para saakin, ang mga manggagawa ang pinakaimportanteng sektor ng ekonomiya. Sila ay dapat pinapahalagahan. Hindi porket sila ay mga konstrukyon lamang ay inaabuso na sila. Para saakin, kung wala ang mga manggagawa, ay hindi gagana ang buong ekonomiya ng bansa. Kung walang manggagawa, walang magsasakang mag-aani at magtatanim ng palay, walang magpoproseso ng mga hilaw na materyales  para gawing yaring produkto, walang magbebenta ng mga ito o mga middlemen. Sa lahat lahat, kasama ang mga manggagawa sa bawat sektor ng ekonomiya.

Ako ay sumosuporta sa mga unyon, sa pagbibigay ng proteksyon at seguridad sa mga manggagawa. Natutuwa akong malaman na may mga taong may malasakit sa kanilang kapwa. Pinaglalaban ng unyon ang mga karapatan ng mga manggagawa, at iyon ang tama. Hindi nila inaabuso ang mga manggagawa, ngunit tinutulungan nila ito.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento