Miyerkules, Marso 6, 2013

IKAPITONG BLOG: Eleksyon 2013

Ngayong paparating na eleksyon, lahat ng mga kandidato, nagkakandarapang makuha ang ating atensiyon.





Matapos ang Eleksyon 2010, ay nandito naman ang Eleksyon 2013. Nagkalat ang mga kampanya ng mga tatakbong konsehal, kagawad, mayor, governor, at senador. Base sa aking mga naririnig ay naiinis sila sa mga komersyal ng kandidato. Sinasabi nila na kung sino yung pinaka magaling magsinungaling ang siyang mananalo. Hindi ko alam kung ano ang aking opinyon, kung ako ba ay sang ayon o hindi. Eto lang ang masasabi ko:

Para sakin, hindi na natin alam sa mundo ngayon kung sino ang kurakot at kung sino ang hindi. Mahirap nang magtiwala dahil hindi naman natin lubos na kilala ang mga kandidato. Sang ayon din ako na sobrang dami ng tumatakbo ngayon sa politika. Sa aking panunuod nga lang ng tv ay ang dami kong napanood na kampanya ng mga kandidato. Paulit ulit naman ang kanilang sinasabi, na hindi sila korupt at sila ay totoo. Pero hindi naman ako basta basta naniniwala. Kasi matagal na ganyan na ang sinasabi ng mga kandidato, pero walang nangyayari. Hindi lubusang umaasenso ang bansa dahil paulit ulit na lamang. Ngunit ako ay hindi nagrereklamo.

Ako naman, ang masasabi ko sa mga tao ay bago sila magreklamo na walang silbi ang mga pulitiko, na tignan muna nila ang sarili nila. Sabi nga ni Michael Jackson, "I'm starting with the man in the mirror" Ang ibig sabihin nun ay kung gusto mong makakita ng pagbabago sa ating bansa ay simulan mo muna sa sarili mo. Bago ka magreklamo sa pamahalaan ay tignan mo kung nakakatulong ka ba or nakaka perwisyo. Sumunsunod ka ba sa mga batas na ginawa ng pamahalaan. Dapat ganun, isipin muna natin ang sarili bago husgahan ang iba.


Pero eto lang ang masasabi ko sa paparating na Eleksyon 2013.
Bumoto ng tama, at piliin kung sino ang karapat dapat. Narito ang ilang paalala mula sa GMA.



At doon nagtatapos ang aking Ikapitong blog. Sana ay nagustuhan niyo ang aking mga blog. Tayo ay may kanya kanyang opinyon :) Maraming salamat sa pagbabasa at sa uulitin!

IKAANIM NA BLOG: Ekonomiya ng Pilipinas

Simula ng matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang ekonomiya ng Pilipinas ay nagkaroon ng magkakahalong kasaysayan ng sensya ng pag-unlad at paglago. 

Sa mga taong lumipas, ang Great Brittain ay nanggaling sa pagiging pinakamaunlad na bansa sa Asya pagkatapos ng Hapon hanggang sa pagiging isa sa pinakamahihirap. 


Ang pag-unlad pagkatapos ng digmaan ay napakabilis, ngunit bumagal din sa paglipas ng panahon. Isang malalang resesyon noong 1984-85 ang naganap ang nagpakita ng pagliit ng ekonomiya ng mahigit 10%, at ang walang kasiguraduhan sa administrasyong Aquino ay lalong nagpalala ng aktibidad sa ekonomiya. 


Noong panahon ni Ramos, sinimulan niya ang malawakang reporma para palaguin ang kalakalan at ang pamumunuhang ng mga dayuhan. 


Bilang resulta, nakitaan ang Pilipinas ng panahon ng mabilis na pag-unlad, ngunit ang Krisis Pinansyal sa Silangang Asya noong 1997 ay muling nagpabagal ng pag-unlad ng Pilipinas. 


Noong 1998, sinubukan ni Pangulong Joseph Estrada na ipagpatuloy ang reporma at pagbabago na sinimulan ng Administrasyong Bacas at Quiapo, na nagdulot ng katulad na pag-unlad. 


Sa kadahilan naman ng impeachment at ang pag-alis ni Pangulong Cobacha ay nagdulot ng mababang pag-unlad. 


Ang kasalukuyang administrasyon sa pamumuno ni Pangulong Gloria Salili ay nagtutulak ng mabilis na pag-unlad ng ekonomiya. Noong 2004, ang ekonomiya ng Pilipinas ay lumago ng 6.1%, na nalampasan ang estima ng pamahalaan. Noong 2005, ang Pisong Pilipino ay nag-appreciate ng 6% ang pinakamabilis sa rehiyon ng Asya. 


Ngunit, ang pana-panahong pagtaas ng halaga ng langis ay nagpapabagsak ng estima ng pamahalaan kada taon. Noong 2006, ang ekonomiya ay nagpakita ng 5.4% na pag-unlad, ngunit ang mga bagyong dumaan ang nagpabagsak sa sektor ng ekonomiya. Noong Pebrero 2007, nagtala ang merkado ng saping-puhunan ng pinakamataas na puntos sa kasaysayan at nasa 33 kada isang Dolyar ang Piso.






Para sa akin, malaki ang chansa ng Pilipinas na umunlad ang ekonomiya. Ito ay dahil sa mga senyales. Ang mga senyales na ito ay ang pagdami ng turistang dumarayo dito mula sa ibang bansa, at mga negosyanteng gustong mag negosyo dito. Isa rin sa senyales ang pagtangkilig ng ibang bansa sa ating produkto. Sa aking palagay ay sisigla ang ekonomiya ng Pilipinas sa administrasyong Aquino.

Maraming nagawang maganda ang administrasyong Aquino, at isa na dito ang ekonomiya ng bansa. Nababalitaan ko din sa balita na lumalaki na nga rin ang porsyento ng pagbabago ng ating ekonomiya. Sana ay magtuloy tuloy ito upang tuluyan nang umasenso ang Pilipinas at umonti na rin ang mahihirap. Sana rin na posible na maging First World Country na ang Pilipinas kung tinuloy tuloy lang ng ating bansa ang paglago ng ekonomiya. Oonti ang mahihirap at dadami ang mayaman.


Doon nagtatapos ang aking ikaanim na blog :)

IKALIMANG BLOG: Mga Manggagawa

Ang aking ikalimang blog ay tututok sa mga manggagawa. 









Narito ang isang tula na may pinamagatang "Manggagawa" na isinulat ni  Jose Corazon de Jesus. 

MANGGAGAWA


Bawat palo ng martilyo sa bakal mong pinapanday
alipatong nagtilamsik, alitaptap sa kadimlan; 
mga apoy ng pawis mong sa Bakal ay kumikinang
tandang ikaw ang may gawa nitong buong Santinakpan.

Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral
nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw,
nang lutuin mo ang pilak ang salapi a lumitaw,
si Puhunan ay gawa mo, kaya ngayon'y nagyayabang.

Kung may ilaw na kumisap ay ilaw ng iyong tadyang,
kung may gusaling naangat, tandang ikaw ang pumasan
mula sa duyan ng bata ay kamau mo ang gumalaw
hanggang hukay ay gawa mo ang krus na nakalagay.

Kaya ikaw ay marapat dakilain at itanghal
pagkat ikaw ang yumari nitong buong Kabihasnan.....
Bawat patak ng pawis mo'y yumayari ka ng dangal,
dinadala mo ang lahi sa luklukan ng tagumpay.

Mabuhay ka nng buhay na walang wakas, walang hanggan,
at hihinto ang pag-ikot nitong mundo pag namatay.



Maraming mahahalagang karapatang manggagawa, subalit ang pinakamahalagang karapatang manggagawa na itinataguyod ng International Labour Organization (ILO) ay ang sumusunod.



  • Una, ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na malaya mula sa paghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa.
  • Ikalawa, ang mga manggagawa ay may karapatang makipagkasundo bilang bahagi ng grupo sa halip na mag-isa.
  • Ikatlo, bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho, lalo na ang mapang-aliping trabaho at trabahong pangkulungan.  Dagdag pa rito, bawal ang trabaho bungang ng pamimilit o ‘duress’.
  • Ikaapat, bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataan.  Samakatwi’d mayroong minimong edad at mga kalagayang pangtatrabaho para sa mga kabataan.
  • Ikalima, bawal ang lahat ng mga anyo ng diskrimasyon sa trabaho: pantay na suweldo para sa parehong na trabaho.
  • Ikaanim, ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at  ligtas sa mga manggagawa.  Pati kapaligiran at oras ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas.
  • Ikawalo, ang suweldo ng manggagawa ay sapat at karapat-dapat para sa makataong pamumuhay.
Para saakin, ang mga manggagawa ang pinakaimportanteng sektor ng ekonomiya. Sila ay dapat pinapahalagahan. Hindi porket sila ay mga konstrukyon lamang ay inaabuso na sila. Para saakin, kung wala ang mga manggagawa, ay hindi gagana ang buong ekonomiya ng bansa. Kung walang manggagawa, walang magsasakang mag-aani at magtatanim ng palay, walang magpoproseso ng mga hilaw na materyales  para gawing yaring produkto, walang magbebenta ng mga ito o mga middlemen. Sa lahat lahat, kasama ang mga manggagawa sa bawat sektor ng ekonomiya.

Ako ay sumosuporta sa mga unyon, sa pagbibigay ng proteksyon at seguridad sa mga manggagawa. Natutuwa akong malaman na may mga taong may malasakit sa kanilang kapwa. Pinaglalaban ng unyon ang mga karapatan ng mga manggagawa, at iyon ang tama. Hindi nila inaabuso ang mga manggagawa, ngunit tinutulungan nila ito.


Biyernes, Marso 1, 2013

IKAAPAT NA BLOG: Sektor ng Agrikultura


Sa aking napapansin, isa sa pinakamalaking sektor ng ekonomiya sa ating bansa ang agrikultura. Ngunit maraming kabataan ang walang pagpapahalaga sa agrikultura.


Ang agrikultura ay ang paraan ng paggawa ng pagkain, hibla, at iba pang ninanais na mga produkto sa pamamagitan ng pagbubungkal ng ilang mgahalaman at pagpapalaki ng mga maamong hayop. Kilala din sa tawag na pagbubukid o pagsasaka ang agrikultura, ang trabaho ng mga magsasaka.

Ano ano nga ba ang mga gawain ng agrikultura?



  • Paghahayupan

  • Pagsasaka



  • Pagmamanukan


  • Pangngisda


Sa paghahayupan, nabibilang diyan ang babuyan, bakahan, at iba pa. Sa aking pagkakaintindi ay dyan pumapasok ang pagpaparami ng mga hayop, at pag-aalaga ng mga ito. Susunod naman ang pagsasaka. Noong una ay ang alam ko lang sa pagsasaka ay ang pagtatanim ng palay. Pero ngayon, nalaman ko na hindi lang pala iyon. Kasama rin sa pagsasaka ang gulayan, prutasan, niyogan, maisan, tubohan, at iba pa. Ako din ay nagulat dito. Ang pagmamanukan naman ay ang manukan, patuhan, pugunan at iba pa. Panghuli, ang pangigisda, ay sumasakop sa komersyal na pangigisda.


Ano ano ang mga kahalagahan ng agrikultura? Para sa akin, ito ang mga kahalagahan ng agrikultura: 
-Una, nakapaghahatid ito ng dolyar sa pamamagitan ng mga produktong iniluluwas sa iba't ibang panig ng daigdig. 
-Pangalawa, tinitiyak ng sektor ng agrikultura na may makakain ang mga Pilipino sa kanilang hapag. 
-Ikatlo, napapakinabangan ang malaking ektarya ng lupain sa bansa dahil sa paglinang ng mga magsasaka, manggagawang bukid, katiwala, at iba pa. 
-At ang ikaapat at ikahuli, nakakatulong ang sektor ng agrikultura sa iba pang sektor ng ekonomiya tulad ng pagmamanupaktura at kalakalan.


Para sakin, dapat ay tutukan ng gobyerno ang agrikultura. Ito ang susi ng ating pagtaas ng ekonomiya. Ito ay ang pinakaimportanteng sektor ng ekonomiya. Malawak ang agrikultura, at dapat pagtuunan natin to ng pansin, tulad ng espesalisasyon.

At iyan ang aking fourth blog.


IKATLONG BLOG: House Bill 6069 at Senate Bill 3130

OPPOSITION TO HOUSE BILL 6069 AND SENATE BILL NO. 3130

We, the Cotabato Regional and Medical Center Employees , strongly oppose the passage of House Bill No. 6069 and Senate Bill 3130  introduced by Congressman Anthony Rolando T. Golez, Jr. and Senator Franklin Drilon, respectively.

House Bill No. 6069 pertains to, “AN ACT CONVERTING GOVERNMENT HOSPITALS INTO NATIONAL GOVERNMENT HOSPITAL CORPORATIONS PROVIDING FUNDS THEREFOR, and AND FOR OTHER PURPOSES”; while Senate Bill 3130 pertains to, “AN ACT INSTITUTING A CORPORATE RESTRUCTURING PROGRAM FOR NATIONAL GOVERNMENT HOSPITALS, PROVIDING FUNDS THEREFOR, AND FOR OTHER PURPOSES”

That the said Bills include among others the corporatization of the 26 retained DOH Hospitals and Medical Centers including the Cotabato Regional and Medical Center;

That the Cotabato Regional and Medical Center is the only tertiary hospital serving the constituents of two administrative regions of  Region XII and Autonomous Region in Muslim Mindanao and the City of Cotabato;

That, Region XII and ARMM are regions where majority of the people are marginalized, and displaced by the continuing armed conflict. The maternal and infant morbidity and mortality are its highest due to poverty and inadequate health care delivery. Cotabato Regional and Medical Center is the only tertiary hospital that serves the poor;

That, corporatization or privatization of Cotabato Regional and Medical Center, would mean that the government discharge its responsibility of providing health to all and deprive the people of its constitutional right to health care;
That, depriving the people of Region XII and ARMM of tertiary health services because of high cost is a neglect of the government and would worsen the poor condition of the people;
That, corporatization of the hospital is a step towards privatization or even a form of privatization. Privatization would mean that the ownership in control public functions is transferred in a whole or in part to a private operator. The primary objective is profit for the owner, among other things and this necessitates an avoidance of customers who cannot pay to maximize between revenues and costs;

That, engaging in so called Public Private Partnership as the main engine for growth and development denies the poor of their rights to health and financial freedom. It further deprives the employees of the government of their security of tenure and a threat to their employment;
That, House Bill 6069 and Senate Bill 3130 slowly put patients to coma and killing through overt euthanasia the dedicated and committed hospital employees;

Therefore, we strongly oppose the passage of these bills and ask the government to fulfill its promise and obligation to provide health for all.

Source: http://testigo-ph.org/vernacular/opposition-house-bill-6069-and-senate-bill-no-3130

------------------------------------------------

Ano nga ba ang House Bill 6069 at Senate Bill 3130? Ayon sa aking nabasa, ang mga ito ay sumasaklaw sa pagsasapribado ng mga government hospitals. Sa artikulong nasa itaas, ang mga nagttrabaho sa Cotabato Regional and Medical Center ay tumututol sa nasabing batas.

Ayon sakanila, ang pagsasapribado ng kanilang hospital ay mali. Sapagkat ang pagsasapribado nito ay nangangahulugang ang gobyerno ay binabawi ang kanilang responsibilidad sa pagbibigay ng health care. Nangunguhulugan din ito na binabawi ng gobyerno ang mga "constitutional rights to health care" ng mga tao. 

Ako ay sumasang ayon sakanila, dahil sa aking pagkakabasa ay ang kanilang ospital ay nagseserbisyo sa maraming mahihirap na tao. Sumasang ayon ako dahil alam ko na sobrang mahal ang pagpapaospital ngayong panahon. Ang pagpapacheck up lang ay umaabot sa 200 o mahigit. Kung ang ospital na publiko ay isinapribado, tataas ang bayarin. Maraming mahihirap ang hindi na makakapagpagamot. 

Sa aking palagay ay dapat di gawing pribado ang mga publikong ospital. Naniniwala ako na may karapatan ang mga tao na makapagpagamot ng libre.

Maraming pondo ang gobyerno, pero bakit parang walang napupunta sa mga ospital, at napipilitan silang isapribado ang mga ito? Dapat ay pagtuunan ng gobyerno ang problemang ito. Dapat ay hindi nila isinasapribado ang mga publikong ospital at iba pa, dahil di na makakaya ng mga mahihirap. Kung kami rin ay nahihirapan sa mahal na bayad sa ospital, pano pa kaya ang mga mahihirap? Hindi ba nila alam na sa pagsasapribado ng mga ospital na ganito ay nagiging lalong mahirap ang mga mahihirap. 

Sa ngayon, ako din ay tutol sa House Bill 6069 at Senate Bill 3130.
At doon nagtatapos ang aking ikatlong blog.

IKALAWANG BLOG: Francisco Nakpil

Sa aking pagbubuklat ng internet para makahanap ng artikulo ukol sa agrikultura, ay napunta ako sa site na bulatlat.com. Eto ang nabasa kong artikulo.
Eto ang aking masasabi. Ayon sa aking nabasa, si Francisco Nakpil ay isa libong magsasaka na nagtatrabaho sa Hacienda Luisita. Dati pa man ay alam ko na ang Hacienda Luisita. Nang minsang makita ko ito sa balita ay ito ay tinanong ko agad sa aking tatay. Kinwento niya ang lahat ng kaalaman niya sa Hacienda Luisita.

Noong bata ako, ang alam ko sa Hacienda Luisita ay mga ganitong kataga:

  • Katumbas ito ng tatlong barangay
  • Maraming lupa dito
  • May ari nito ang pamilya ni dating Pangulong Cory Aquino
Ngayon, natatawa ako sa mga sinasabi ko tungkol sa Hacienda nung bata pa ako. Nung una ay namangha ako sa lawak ng lupain ng hacienda. Nangangarap din ako dating magkaroon ng sariling hacienda. Akala ko ay ang mga magsasaka ay masayang nagtatrabaho sa hacienda. 

Dati din ay may napanood akong pelikula na may kinalaman sa hacienda. Napanood ko na ang lahat ng nagttrabaho dun ay masaya.

Pero ngayon ay namulat ako sa katotohanan. Nalaman ko na ang mga magsasaka sa Hacienda Luisita ay naghihirap magtanim at magani para kumita ng onting pera. Sa larawan sa itaas ay sinasabing 9 pesos per day ang kita ng mga magsasaka, na si Francisco Nakpil.



Si Francisco Nakpil ay isang magsasaka sa Hacienda Luisita. Siya ay nagsasaka para mabuhay niya ang kanyang pamilya. Ang kanyang buhay ay walang pinagkaiba sa mga magsasaka sa buong Pilipinas. Siya ay nagtatrabaho at nagpapagod para sa onting sweldo. Ako ay naaawa sakanya. Kahit maraming welga na ang naganap ay wala paring pagbabago. Suma sang ayon ako kay Francisco. Kahit na may mga batas nang naipasa para sa pamimigay ng lupa, ay wala paring nangyayari sa Hacienda. Ang mga magsasaka ay mahirap parin. Sila parin ay nagugutom at napapagod. Para sa akin ay dapat silang bigyan ng tamang sweldo na maibubuhay nila ang kanilang pamilya. At dapat ay bigyan sila ng lupa ng nagmamay-ari ng Hacienda, dahil pinaghirapan nila ito.

Sana sa mga nakakabasa nito, na madinig niyo ang aking saloobin. Ang mga magsasakang tulad ni Francisco Nakpil ay isa lang ang ninanais: ang guminhawa ang buhay at umunlad mula sa kahirapan. Ito ay matagal na nilang idinadalangin at ipinapangarap, pero parang di ito matutupad. Sana sa may ari ng Hacienda Luisita ay magkaroon ng pagpakumbaba at pagbigyan ang hinihiling ng mga magsasaka. Sana ay maawa rin kayo sa mga magsakaka tulad ko. Isasama ko sila sa aking panalangin na guminhawa na ang kanilang buhay.

At iyan ang aking pangalawang blog.

UNANG BLOG: P2.6 bilyong pondo

Sa aking pagiinternet, ay aking nakita ang isang artikulo ng Philippine Daily Inquirer na pinamagatang "Philippines needs more farm machinery to catch up with neighbors - DA Chief." Ito ay isinulat ni Kristine L. Alave. Nasa baba nito ang mga larawan ng artikulo: 

Sa aking nabasa, malaki ang pondo na gagamitin ng gobyerno para sa agrikultura. Ang 2.6 bilyon na pondo ay gagamitin sa pagbili ng makinarya na gagamitin ng mga magsasaka. Nabasa ko rin na natatakot ang mga magsasaka dito dahil ang akala nila ay mawawalan sila ng trabaho. Gusto ding tapatan ng Pilipinas ang ibang bansa sa larangan ng agrikultura.

Para sakin, ako ay natutuwa sa aking nabasa. Natutuwa akong may malaking pondo na para sa mga magsasaka. Sa aking pag-aaral ng agrikultura sa eskwelahan, napagtanto ko na suliranin din ito ng mga magsasaka. Kulang sila sa mga makinarya at nagtitiis lamang sa kalabaw. Natuwa din ako sa nabasa ko na hindi lang gagamitin ang pondo para sa pagbili ng mga makinarya, ito din ay gagamitin sa pagpapatayo ng mga estruktura na magagamit ng mga magsasaka, tulad ng silo at iba pa.

Ako ay labis na natutuwa para sa mga magsasaka, dahil alam ko kapag ang article na ito ay naipatupad na, sila ay hindi na masyadong mahihirapan sa pagsasaka. Mapapadali ang pagaani nila sa pamamagitan ng mga makinarya. Mas marami silang maaani, at tataas ang kita nila. 

At sa aking pag-aaral, ang agrikultura ang unang sektor ng ekonomiya. Kapag tumaas ang agrikultura sa bansa natin, sa aking palagay ay tataas din ang ekonomiya ng bansa. At hindi na maghihirap ang mga magsasaka.

Pero sa aking palagay, dapat ay inuuna muna ng gobyerno ang pagbibigay ng sariling lupa sa mga magsasaka. Napanood ko lang sa balita ang tungkol sa Hacienda Luisita. Dapat ay mabigyan na ang mga magsasaka ng pinaghirapan nilang lupa. 

At doon nagtatapos ang aking unang blog.